[..JOURNAL..]
Sunday, December 10, 2006
yo. i have something to say.so, this would be my last post. i've been so busy living my life that i don't have the time to update my blog. my life is not that enjoyable anymore, it's worthless. ^^ hope you'l understand.
FAREWELL GUYS. i'll surely miss my blogging experience. i've been around blogging since august 2004 and now, i'm putting an end on it. i don't really want this to happen but i think this is what is right.^^ many, many joyful things happened because of my blog. i've met many friends, and i'm now more open-minded. hope that you'll understand me again. ^^
so thanks my friend, for making my bloglife a rockin' one. i'll miss this, definitely. =(
see you soon. sayonara. ^^
-
wowed the crowd at Sunday, December 10, 2006
Friday, October 27, 2006
nako nako. hinde na naman ako nakapagpost. tsk tsk.fieldtrip. haha. hinde ko pa pala nakkwento yung tungkol sa nangyari nung fieldtrip. basahin nio na lang itong reaction paper na ginawa ko.
The fieldtrip that we attended last October 11 was not a fieldtrip that I thought was enjoyable.
Early in the morning, the sections were divided in separate buses. Some had 4 sections in them, and some have 3 sections in their bus. But that same morning, we had problems in our bus. Sir Bocato had to come by our bus and settle this problem. Some people that was not assigned to our bus, RODE OUR BUS. Oh, that irritates me. So they had their permission.
First stop is in the Mad Science Museum (?!). I enjoyed it a little bit though. We were in the 3rd row; we can see clearly what the scientists are demonstrating to us. Like the hovercraft thing. It rocks. ;)
Second stop is Gardenia. I learned a little. Like how to make a bread, etc. They had a video that we watched. So after that, we had a tour in their plant. Oh, the temperature there was burning like hell. >:( And we had hairnets on, that makes it even worst. I wasn't able to understand what the lady was saying to us, students. And it ended; they give us a slice of bread. =)
We get to the bus. There was this news that made me angry. WE'LL NOT GO TO TOYOTA ANYMORE. Oh God. It was the only destination that I think I'll enjoy, and we'll not go there? Oh come on.
Third stop is Monte Vista Resort. It was noontime. We had our lunch there. So after I had taken our lunch, we played billiards. I was not good at billiards, but I can play well. :D After that, we played basketball. I drained my energy. I was super exhausted after that. So we left the resort at exactly 4pm. We're now going back to SM.
So, for me, the fieldtrip is a total waste. It's worthless. It's like the fieldtrip is only P300. It's my own opinion. Everyone has their own. ;)
odiba. lupet. ^^
sembreak. nako. etong sembreak na ito ang pinakawalang kwenta. wala akong magawa dito sa bahay e kundi mag internet buong araw. haha.
saida. woot. malamang hinde niyo kilala ito. si Saida Diola ng EB babes. yung EB babes yung pumalit sa sexbomb sa Eat Bulaga. ala lang. ANG GANDA NIYA PARE, SOBRA. maraming magagandang pinay dito. hinde kelangan magpaka-adik sa mga foreign katulad nila paris hilton, katie holmes, kirsten dunst, etc. eto mga picture niya o. ^^

kyut mo. ^^

kyut pa ren. ^^

mei kapareho siya ng ngiti dito. guess who? ^^
hehe. ganda no? para saken maganda. haha. ewan ko senyo. ^^ tignan nio yung friendster account ko, mei picture din xa dun. ^^
panaginip. wala ka na muna sa buhay ko. ^^
-
wowed the crowd at Friday, October 27, 2006
Sunday, October 08, 2006
update. dalawa lang ang dahilan kaya hindi ako masyado makapag-update. sobrang busy dahil sa schoolworks o di naman kaya daihl tinatamad ako. wala lang. nakakapag online pa rin naman ako kahit papano, sa YM. ayun, pasenxa na lang.fieldtrip. yun, sa wednesday na yung fieldtrip. sana maging masaya kahit mejo konti ang hindi sasama sa section namen. gusto kong kasama sa bus darwin o kaya einstein. haha. yun lang naman ma-eenjoy ko dun eh, sa bus. o kaya sa toyota lang, dapat may mga showcars sila dun, yung tipong anim yung subs tapos may mga apat na LCDs sa compartment. tapos yung may mga hydraulics, nako. matutuwa ako kung ganun.
panaginip. anu ba? hinde ko alam kung dapat ka pa bang mahalin o ano. nako naman.
-
wowed the crowd at Sunday, October 08, 2006
Saturday, September 16, 2006
yeah. isang buwan na nung huli kong update.Foundation Day. ayun. foundation day sa quesci ngayun. 39th year na. maraming booths, maraming activities. unang una, yung battle of the bands. maganda na sana kaso yung guest band hindi ganun kaayos. ang korni kasi nung shamrock eh, yung mga kanta nila e hindi yung tipong tatalon ka at makikipag rakrakan at islaman. so kaya ako pumunta dun eh dahil lang sa mga banda ng quesci.
nakakaasar. hindi ko natapos yung battle. kasi 10pm pa lang sinundo na ako nila nanay at tatay. eh ang sabi ko mga 12 nalang sila pumunta. ayan tuloy, hindi ko napanood sila marion. panghuli kasi silang magpeperform. finale sila. pero nanalo naman sila, chalkdust first sa battle. lupet. tas yung mass existence ba yun? second daw sila. chalkdust, libre ko ah? haha. avid fan nio ko eh. hehe. basta next year tatapusin ko na yung battle. pramis. :)
next big activity ay ang cheerdance competition na ginawang sportsdance competition dahil bawala na daw ang kahit anong stunts. yung 08 pa naman eh medyo nag concentrate don. ayun, wala na kaming pakialam kahit ma disqualify. ginawa na namin yung stunts. basta ang gagawin namin eh ang sa tingin naming dapat na gawin. nung araw na ng cheering, nagkaroon ng problema tungkol sa costumes ng dancers. medyo nagkaroon din ata ng problema dun sa btach shirt. remedyohan na lang yung problema. yung batch shirt na lang sinuot ng dancers. tas kaming mga lifters, black edition ng batch shirt.
nung performance na, medyo nakakakaba. kasi nga medyo kulang pa talaga sa practice yung boosters. tapos isa pa ako sa nagssway nung dragon. nakakahiya, sinalo namin lahat ng hiya. haha. basta dinaan na lang namin sa energy. medyo nagkaroon pa nga ng problema eh, "pump it up 08" na lang yung sinisigaw nung boosters. pero naging maayos naman yung performance namin. pagkatapos nun, in-announce na yung mga nanalo. seniors ang nagchampion. congrats sa seniors! ayun, second lang kami. pero ayos lang. go juniors! bawi na lang tayo sa susunod. hehe.
ngayong araw, intrams. pero hindi ako nanood. nakakatamad eh, haha. nagdota na lang kami. :)
JS Prom. pinagpplanuhan na yung JS prom. crossroads daw ang venue. ayos lang, basta ayoko sa kahit anong garden, haha. iniisip ko pa rin talaga kung siya yung dapat kong yayain na maging prom partner ko e. kaso baka magalit sakin yun, baka layuan lang ako lalo nun. nah, saka ko na nga pag-iisipan to.
Panaginip. sorry. basta sorry. ayun lang. :(
-
wowed the crowd at Saturday, September 16, 2006
Thursday, August 10, 2006
Sorry kung napakatagal kong hindi nakapag-update.P6 Mag. Ayan ang unang dahilan kung bakit hindi ako makapagupdate-update dito sa blog ko. Grabehan yung pagkakacram namen diyan nung mga ka-group ko. Nagstay pa nga kame sa bahay nila Conjie hanggang 10 ng gabi para lang i-cram yan. Muntik na nga akong pagalitan pag-uwi ko e. Kaasar naman. Napasa naman nmain siya kay Sir Esteban on time, kaso yung nrrative report e late ng isang araw. nyenye.
Happy Birthday. Happy second anniversary sa aking pinakamamahal na blog noong August 8. Woah, isa na pala ako sa pinaka-matatanda pagdating sa pagbblog. Nung nagsimula akong mag-blog, nde pa mxado uso ang blogging nun e. Tapos after 3 months ata, bigla na lang nagsulputan ang mga scientian na nagbblog, lupet naman. haha. Belated happy birthday na rin pala kanila Prana at Eka. Belated hapi bday. hehe.
Perio. Odiba. Perio bukas pero ayoko talagang mag-aral. Wala ako sa mood para mag-aral. Feel ko kasi pag nag-aral ako tapos kapag hindi lumabas sa test bukas, magsisisi ako to the max. Mas gusto kong mag-cram na lang bukas ng umaga para mag-aral. hehe.
Panaginip. Ayun, at least alam niya na na merong aenar na nag-eexist sa kanyang ginagalawang mundo. Ayan ah, sana malaman mo na merong tao na handang tumulong sayo pag may problema ka. hehe. =)
-
wowed the crowd at Thursday, August 10, 2006
Saturday, July 15, 2006
ayan. mag-uupdate na ako. tungkol na lang sa offcamp yung ikkwento ko. hehe.Offcampus. scheduled na kami yung aalis last wednesday. so ayun, sa nismed kami, yung iba sa college of science.
ayun. masaya sa nismed kasi konti lang yung tao. anlamig pa ng aircon dun kaya ansarap matulog. atsaka dun ko din nakuha yung topic ko ngayon. "the feasibility of bamboo charcoal as an alternative for copper rod in making electric batteries" ayan ang topic ko. kaso sa tingin ko mahirap pa i workout yung sources nyan. dalawa pa nga lang yung sources ko e. lintek na yan. haha. tapos kelangan na kagad yung notecards sa wednesday. mas lintek. namaaaaan.
dun sa labas ng nismed, parang may maliit na portion kung para kayong nasa field trip. yung magbibisikleta ka tapos aandar yung mga appliances. tapos yung immove mo from one bar yung tali to another bar. tuwang tuwa kami dun ni rembrant. si rembrant yung lagi kong kasama dun sa nismed, haha. para nga kaming magsyota dun e. xp
nung mga bandang 11, biglang may mga bali-balita na suspended daw ang classes. hindi ako natuwa kasi nagsuspend kung kelan mahina na yung ulan. lintek na gobyerno ni gloria, kaya hindi umaasenso e. pero pinauwi din kami ng mga 12, kasi baka hanapin daw kami ng parents namin. ayun. dumating kami sa school ng 12:30. tapos ang good news e may part2 ang offcamp namin. tapos nagdota kami sa playtro. hehe. ^^
OffcampusPart2. walang pasok nung thursday. pero friday may pasok na. akala namin walang klase, pero etong si sir estacio ay umattend samin. abaaa, hindi naman siya ganado nun? haha. nagdiscuss ng konti, naintindihan ko naman kahit wala ako sa mood mag-aral dahil mas gusto kong mag-offcamp. naunang umalis yung einstein, babalikan na lang daw kami sabi ni sir diaz.
kaso etong si mam dacquel ay super epal at hadlang sa masaya naming offcamp. sabi ba naman niya e hindi daw kami makakapag-offcamp kapag hindi niya nakausap si sir diaz. kaasar. dumating naman si sir diaz kaya natuwa kami. akala ni mam dacquel, magsisisi ka kapag hinadlangan mo ang kasiyahan ng edison3. kahit ba adviser ka namen, haha. ^^
ansaya. college of science kami. kaso hindi ko masyado nagustuhan dun. hnidi organized yung mga libro. kakainis at kakaasar. pagdating nung tanghali, lipat kami ni rembrant sa nismed. habang naglalakad kami, biglang may mga taga-up na kumanta nung alma mater. nakakakilabot. haha.
sa nismed talaga ako natutuwa. ang tahimik kasi e. tsaka super lamig talaga ng aircon dun. nakakuha ako ng medyo marami namang data. mas nauna kaming umuwi sa einstein. 4 pa lang nasa quesci na ulit kami.
ayun. ansaya ng offcamp. parang fieldtrip. hehe. ^^
Panaginip. o ye. dumampi yung buhok niya dun sa bag ko. nasa harapan ko lang siya nung elective namin. wahehe. ansaya. ^^
-
wowed the crowd at Saturday, July 15, 2006
Thursday, June 29, 2006
konti lang ikkwento ko ngayon ah.Elective. dapat analytic geometry ako e, kaso napunta ako sa aking second choice na zoology. e ako ayoko sa zoology dahil sa tingin ko hindi ako makakapag-aral ng mabuti doon. yung atmosphere mo ba naman dun e kasama yung mga yun. edi wag na. kaya ngayon, napunta ako sa business correspondence. teacher namin si mr. canaveral.
eto lang ang masasabi ko sa kanya, ang astig mo men. wala talagang discussion na hindi siya naglilibog. super libog niya. ikaw ba naman e nakaring ng babanat ng "alam niyo yung viagra? kapag linagay mo yun sa leeg mo, magkaka-stiff neck ka."
eto ang malupet..
"kapag uminom ka ng viagra at ikaw ay namatay, hindi maisasara yung kabaong mo dahil gegewang yung takip."
getz nyo ba? haha.^^
AP. damn shit. gusto ko sana itong subject na ito e. kaso yung teacher ayaw ko. damn, andami niyang problema sa buhay. lahat na lang pinapansin niya. para siyang ulol sa pinaggagawa niya. tsaka eto pa, yung group kasi namin yung nagreport ng tungkol sa ehipto. e ako yung na-assign sa kasaysayan ng ehipto. edi ako naman todo aral bago kami mag-report. nakapag-report naman ako ng maayos, dahil nasabi ko naman yung mga importanteng mga bagay-bagay tungkol sa kasaysayan na yan. the next day, sabi ba naman niya e "yung nagreport dun sa kasaysayan ng ehipto, hindi ako satisfied sa ginawa niya." tapos nagsabi uli siya nung mga tungkol sa kasaysayan ng ehipto. ayon sa mga sinabi niya, halos lahat yun ay nasabi ko sa report ko. waw naman, hindi ka pala satisfied ah, o hindi ka lang nakikinig sa mga pinagsasabi ko sa report ko? aba naman, kulang lang ako sa dalawang pharaoh tapos hindi ka na satisfied non? damn bitch.
and for heaven's sake, my name is aenar. not aenier or ainer. ikaw ba e may tinga sa ngipin mo o sadyang bulol ka lang? binababoy mo pangalan ko e. damn. bwiset na teacher.
Panaginip. syempre lagi kang parte ng mga post ko, haha. labyu. ^^
-
wowed the crowd at Thursday, June 29, 2006
