[..JOURNAL..]
Monday, June 05, 2006
haay salamat. nagkaroon din ako ng time na makapag-update.First Day. hmmm, first day. wala namang espesyal na nangyari. parang ordinaryong araw lang, medyo wala nga lang kami masyadong ginawa.
pag-akyat ko ng serbis kaninang umaga, ang ingay nila ate lara. tapos medyo umasenso yung quesci. nakabandera na ang pangalan ng aming school dun sa labas. pagbaba ko ng serbis, aba, daming tao sa court. edi ako naman hinanap ko kagad pila ng edison. nakita ko naman kagad. kinausap ko na sila jomar tsaka baqs. tapos ayun, flag ceremony, tapos punta na kami ng room namin.
naging katabi ko si rembrant. ayos naman yung mga kaklase ko, kaso yung iba may pagka-wirdo. haha. tsaka nakakatuwa nung nag-elect na nung mga officers. si virtus ang "nominee ng bayan". kasi bawat posisyon, napagtripan naming i-nominate sya. muka ngang umiyak e. haha. ang sasama namin. we're evil.
tapos ayun, hindi ko na matandaan kung sino yung mga naging officers. konti lang yung natatandaan ko. president si jamayca tapos vice si jobin. tapos escort si virtus. mwahahaha. lupet men. xp
tapos libot-libot muna ng kisay. natulog muna ako dun sa room. orientation sa conference hall, wala namang ginawa. ipinaliwanag lang yung pledge of accountability. natapos ng mga bandang 2:00. meron pang isang oras na bakante, kasi 3 pwede ng umuwi. sila baqs naglaro pa ng dota, mga adik kayo. samantalang ako ay tumambay muna dun sa serbis at kinilala ang mga bagong kaserbis. wirdo yung iba. haha.
Sulyap. basta, madami akong namiss, lalo na si panaginip. tsaka type ko na si owseben, ang ganda nya kasi e. tapos si smile, tinititigan ko habang nasa loob ako ng serbis. tsaka si nawniets, ang kyut nya kanina dun sa conference, kaso ala akong pag-asa dun e. kay panaginip na lang ako. haha. xp
-
wowed the crowd at Monday, June 05, 2006
