[..JOURNAL..]
Tuesday, June 27, 2006
haha. nag-update ako.Layout. odiba. nagpalit ako ng layout. pero ang totoo lang na pinalitan ko e yung picture lang sa taas. nissan skyline yung naisip ko e. trip ko talaga yung headlight nyan tsaka ang astig tignan. bea, sa susunod na yung batista ah? ^^
Sunday afternun. nung sunday, pumunta kami sa tomas morato, dun sa coffee bean. may katagpo kasi si tatay, kliyente niya dun sa susunod niyang project. woot, pera na naman. ^^ grabe yung atmosphere dun sa coffee shop na yun, hindi ko kayang makibagay sa mga taong tumatambay dun. paano ba naman, halos lahat ng tao dun ay may mga dalang laptop. at hindi lang yun, naka ipod pa. grabe naman men. hindi naman sila mayaman non? haha. tapos ang mahal pa ng isang slice ng cake don, isangdaan. woot. chickenjoy na yun ah? ^^
randomness..
good news. it is official. MIAMI HEAT IS THE WORLD CHAMPIONS. it's all thanks to dwyane wade, scoring 36 points. ^^
tsaka bad news, hindi na wwe champion si cena. badtrip naman o. t*ngin*ng edge yan, nangialam pa kasi. nanalo tuloy si rvd. eto ang nagpapatunay na hindi niyo kaya talunin si cena ng hindi gumagamit ng daya. yun yun e.
may quote na naman ako sa buhay ko. haha.
"you don't have to see all the beautiful things in life."
pinanood kasi namin ulit yung movie na honey. yung kay jessica alba. ang sarap kasi ulit-ulitin e. ang ganda nung kwento. ^^
I've been tagged. si bea at si anje ang may pakana nito. haha. ^^
Instructions:
1. The tagged victim has to come up with 8 different descriptions of their perfect lover.
2. He/she needs to mention the sex/gender of their perfect lover.
3. He/she must tag 8 more people to join this game and leave a comment on their respective sites announcing that they've been tagged.
4. If tagged a second time, there's no need to post again.
ayoko mag-tag. tinatamad ako e. hehe.
Gender. Female malamang. ^^
1. Mabait. syempre, ang gusto nating lahat sa isang tao ay mabait. ayoko kasi sa mga matataray. yung tipong magh-hi ka tapos hindi ka papansinin. ang taas ng pride. ayoko sa mga ganun. nakaka-irita yung mga ganun. kaya ang gusto ko ay mabait. ^^
2. Magandang buhok. i am attracted to someone with nice hairstyles. gusto ko sa babae yung naka-ponytail or nakalugay yung buhok. gusto ko yung straight yung buhok niya. mas ayos kung para na siyang endorser ng shampoo dahil sa sobrang ganda ng buhok niya. pero sa totoo lang, basta yung parang kay panaginip, ok na sakin yun. ^^
3. Mas matangkad ako ng mga 2 inches. aba talagang sinasakto e. nakakahiya naman kung mas matangkad pa yung babae sakin, parang unusual. gusto ko rin yun para kapag kaming dalawa lang ang magkasama, parang couple talaga yung dating. diba? haha. parang lahat ng ito ay si panaginip.^^
4. Hindi maarte. eto. basta ganito ka, papasa ka na sakin. ayoko yung maraming arte sa katawan. yung halos mandiri na sila sayo porket maitim ka o kung ano man. ayoko din yung parang pokpok kung manamit. parang halos wala ng suot. ayoko ng ganun. mga tanga lang ang gumagawa nun.
5. Thoughtful. sa mga babaeng ganito sobra akong attracted. yung palagi nilang tinatanong kung kumusta ka na. tapos gusto nya na laging maayos yung kalagayan mo. gusto ko yung talagang may pakialam siya sakin. atsaka yung hindi nakakalimot na bumati ng goodnight, godbless, etc. i love girls with an attitude like this. ^^
6. Down to earth. gusto ko yung sobrang humble. ayoko kasi sa mga mayayabang tsaka mga feeling reyna o hari ng kung anu ano. gusto ko yung hindi niya ibinabalandra na mayaman siya, napakatalino niya, etc. gusto ko yung kung ano siya nung nakilala ko siya, hindi yung nagbabalatkayo at biglang magbabago ang kulay. kung hindi ka humble, WALA NA.
7. Pretty. halos naman lahat ng lalaki ay gusto ng ganito, kaya ilalagay ko na. papasa ka sakin kapag kasing ganda mo si panaginip. haha.
8. TOTOO. dapat yung talagang may interes sakin, hindi yung nakikipaglaro lang. dapat handa siyang tanggapin kung ano ako, dahil handa akong tanggapin kung ano siya. dapat yung totoo siya sakin, hindi nagsisinungaling para lang makalusot sa mga problema. yun yun e.
Panaginip. wala lang. trip ko lang na dapat may parte ka dito sa post ko. ang ganda mo pa rin hanggang ngayon, haha. ingat parati. labyu. haha. ^^
-
wowed the crowd at Tuesday, June 27, 2006
