[..JOURNAL..]
Saturday, September 16, 2006
yeah. isang buwan na nung huli kong update.Foundation Day. ayun. foundation day sa quesci ngayun. 39th year na. maraming booths, maraming activities. unang una, yung battle of the bands. maganda na sana kaso yung guest band hindi ganun kaayos. ang korni kasi nung shamrock eh, yung mga kanta nila e hindi yung tipong tatalon ka at makikipag rakrakan at islaman. so kaya ako pumunta dun eh dahil lang sa mga banda ng quesci.
nakakaasar. hindi ko natapos yung battle. kasi 10pm pa lang sinundo na ako nila nanay at tatay. eh ang sabi ko mga 12 nalang sila pumunta. ayan tuloy, hindi ko napanood sila marion. panghuli kasi silang magpeperform. finale sila. pero nanalo naman sila, chalkdust first sa battle. lupet. tas yung mass existence ba yun? second daw sila. chalkdust, libre ko ah? haha. avid fan nio ko eh. hehe. basta next year tatapusin ko na yung battle. pramis. :)
next big activity ay ang cheerdance competition na ginawang sportsdance competition dahil bawala na daw ang kahit anong stunts. yung 08 pa naman eh medyo nag concentrate don. ayun, wala na kaming pakialam kahit ma disqualify. ginawa na namin yung stunts. basta ang gagawin namin eh ang sa tingin naming dapat na gawin. nung araw na ng cheering, nagkaroon ng problema tungkol sa costumes ng dancers. medyo nagkaroon din ata ng problema dun sa btach shirt. remedyohan na lang yung problema. yung batch shirt na lang sinuot ng dancers. tas kaming mga lifters, black edition ng batch shirt.
nung performance na, medyo nakakakaba. kasi nga medyo kulang pa talaga sa practice yung boosters. tapos isa pa ako sa nagssway nung dragon. nakakahiya, sinalo namin lahat ng hiya. haha. basta dinaan na lang namin sa energy. medyo nagkaroon pa nga ng problema eh, "pump it up 08" na lang yung sinisigaw nung boosters. pero naging maayos naman yung performance namin. pagkatapos nun, in-announce na yung mga nanalo. seniors ang nagchampion. congrats sa seniors! ayun, second lang kami. pero ayos lang. go juniors! bawi na lang tayo sa susunod. hehe.
ngayong araw, intrams. pero hindi ako nanood. nakakatamad eh, haha. nagdota na lang kami. :)
JS Prom. pinagpplanuhan na yung JS prom. crossroads daw ang venue. ayos lang, basta ayoko sa kahit anong garden, haha. iniisip ko pa rin talaga kung siya yung dapat kong yayain na maging prom partner ko e. kaso baka magalit sakin yun, baka layuan lang ako lalo nun. nah, saka ko na nga pag-iisipan to.
Panaginip. sorry. basta sorry. ayun lang. :(
-
wowed the crowd at Saturday, September 16, 2006
